Essay Example: Climate Change

Essay Example, Alternative Learning System

Topic: Ano ang epekto ng pagbabago-bago ng panahon sa ating kapaligiran?
Author: Albert Cueva

Ang Epekto ng Pagbabago-bago ng Panahon sa Ating Kapaligiran

Ang abnormal na pag-init ng mundo (global warming) ang itinuturong dahilan ng madalas na pagbabago ng lagay ng panahon na nagdudulot ng masamasamang epekto sa ating kalusugan, kalikasan, at pang-araw-araw na pamumuhay.

Dahil sa matinding pag-ulan ay binabaha ang mga lugar na dati naman ay hindi tulad ng mga sakahan, at ang pagkasira ng mga pananim ay nagdudulot ng kakulangan sa suplay ng bigas at gulay sa bansa. Dulot din ng pag-ulan at pagbaha ay ang pagkalat ng mga sakit tulad ng dengue at leptospirosis dahil sa pagdami ng lamok at nahahalong ihi ng daga.

Ang pagkakaroon ng tagtuyot ay nagdudulot din ng pagkasira ng mga pananim at pagkamatay ng mga alagang hayop na pinagkukunan ng mga poultry products. Maging ang mga tao ay hindi rin ligtas sa panganib ng heat stroke at ng iba pang mga sakit tulad ng sore eyes, pigsa at bungang-araw. At ang pinakanakababahalang epekto ng tagtuyot ay ang posibilidad ng pagkukulang sa suplay ng tubig dahil sa matumal na pagbuhos ng ulan sa mga panahong inaasahan ito.

Karamihan sa mga sanhi ng global warming ay ang ilang maling gawain ng tao. Huwag sana nating abusuhin ang ating inang kalikasan bagkus ay tumulong tayo sa pangangalaga nito tulad ng pagtatanim ng mga puno, wastong pagse-segregate ng ating mga basura, pagpapanatiling malinis ng ibinubugang usok ng ating mga sasakyan at pag-iwas sa paggamit ng mga produktong may kemikal na Chlorofluorocarbon (CFC) na nakakapagpanipis sa ating ozone layer.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More ?

3 comments:

  1. papasa ba ko pag sinagutan ko to ng walang kinalaman sa klima? kasi ang klima is climate at ang panahon is time. hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm? mejo magulo to ah. :D

    ReplyDelete
  2. Wow nice naman ng essay na ito....pwede ko bang kopyahin para sa essay ko....na ang pamagat ay climate change

    ReplyDelete