Essay Example, Alternative Learning System
Topic: Ano ang negatibong epekto ng ugaling Filipino Time sa buhay natin?
Author: Albert Cueva
Ang Negatibong Epekto ng Ugaling Filipino Time sa Buhay Natin
Naging bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang ugaling Filipino Time o ang pagdating nang lampas sa itinakdang oras. Kilala tayong mga Pilipino sa kaugaliang ito at isa sa mga inaayawan sa atin ng ibang lahi. Hindi naman ang kabuuang populasyon nating mga Pilipino ang nagtataglay ng ganitong kaugalian, mas marami pa rin ang porsyento ng mga nagpapahalaga sa oras ngunit sa kasamaang palad ay sila rin ang mga pangunahing naaapektuhan ng maling gawain ng iba.
Sa paaralan, kung tayo ay palagiang late pumasok ay nababawasan ang mga kaalamang maari nating matutunan. Dahil din sa kaugaliang Filipino Time, ang mga pagtitipon at pagpupulong ay naaantala ang pagsisimula at maaaring magresulta sa pagtatapos nito nang sobrang gabi o kaya naman ay hindi na lamang ituloy. Maaari rin namang maging kaunti lamang ang mga matatalakay na dapat pag-usapan o kaya naman ay madaliin ang mga gagawing desisyon kahit hindi pa napag-isipan nang husto. Gayundin sa ating mga trabaho, ang bawat minuto ng ating pagdating nang huli ay ibinabawas sa ating kita. Ang mga umaasa rin sa serbisyo ng kumpanyang ating pinaglilingkuran ay nagiging limitado dahil sa pagiging atrasado natin sa oras.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga negatibong epekto ng ugaling Filipino Time sa buhay natin kaya kinakailangan itong pagtuunan ng pansin at maitama. Kamakailan ay ipinatupad ng pamahalaan ang tinatawag na Philippine Standard Time (PST) upang magkaroon ng opisyal na susunding oras ang bawat transaksyon at gawain sa buong bansa, ugaliin sana natin itong sundin at bigyan ng halaga ang pagdating sa tamang oras bilang pagrespeto na rin sa mga taong nagpapahalaga rito.
This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →
Good
ReplyDeleteGood
ReplyDeleteBravo...sino man may gawa ng essay na ito maraming salamat
ReplyDeleteyou're welcome! God bless
DeleteBravo...sino man may gawa ng essay na ito maraming salamat
ReplyDelete