Essay Example: Local Language

Essay Example, Alternative Learning System

Topic: Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika?
Author: Albert Cueva

Ang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Sariling Wika

Ang bawat tao sa mundo ay mayroong sari-sariling wikang ginagamit depende kung saang bahagi ng mundo ito naninirahan. Mayroong iba't ibang wika sa mundo tulad ng Nihonggo sa Japan, Malay sa Malaysia, Arabic sa mga bansa sa Middle East Asia at wikang Filipino naman dito sa Pilipinas.

Mahalaga sa ating mga Pilipino ang ating wika dahil ito ang pinakapangunahing instrumento upang tayo ay magkaintindihan, ito rin ang nagdadamit sa ating kamalayan at sumisimbolo sa ating lahi. Ang iba ring mga bansa ay mayroong sariling wikang ginagamit kaya kung sakaling tayo ay mangingibang bansa at hindi magkatulad ang ating mga wika ay siguradong hindi tayo magkaiintindihan. Sa mga pagkakataong ganito ay kinakailangan nating gumamit ng wikang Ingles sa ating pakikipag-usap upang tayo ay magkaunawaan. Ang wikang Ingles ang tinaguriang universal language dahil ito ang wikang naiintindihan ng karamihan ng populasyon sa mundo.

Ang wika ay biyaya sa atin ng Maykapal upang tayo ay magkaintindihan at magkaisa o sa madaling salita ay upang mapanatili natin ang kapayapaan kaya sana ay respetuhin natin at bigyan ng halaga ang bawat wika sa mundo upang ang ibang lahi ay respetuhin din ang ating wika at ang ating lahi.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →

2 comments:

  1. Hello po sir/ma'am. Pwede po mag hingi ng tips, ano ang hindi dapat at dapat sa sanaysay. Palagi po kasi absent teacher namin kaya wala po akong mapagtanongan. Salamat po!

    ReplyDelete