Essay Example: Overseas Workers

Essay Example, Alternative Learning System

Topic: Anu-ano ang mga magagawa ng OFW sa kabuhayan ng kanilang pamilya?
Author: Albert Cueva

Ang mga Magagawa ng OFW sa Kabuhayan ng Kanilang Pamilya

Ang mga overseas Filipino workers (OFW) ay mga manggagawang Pilipinong piniling mawalay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay upang magtrabaho sa ibang bansa baon ang pangarap na maiangat ang estado ng kanilang pamumuhay.

Dahil malaki ang katumbas na halaga sa piso ng sweldo ng mga OFW ay malaki ang naipapadala nilang remittances sa kanilang pamilya. Ang kanilang mga anak ay napag-aaral sa pribadong paaralan, natutustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan, nakaka-ipon at mas nasisigurado ang magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya. Kadalasan din ay nabibigyan ng mga OFW ang kanilang mga kaanak ng trabaho sa abroad sa pamamagitan ng pagrerekomenda sa mga kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan.

Maraming mga OFW ang nagtatagumpay na maiangat ang kanilang pamumuhay kapalit ng sakripisyong malayo sa kanilang pamilya. Kung ikaw ay isang kabataang mayroong magulang na OFW ay pahalagahan mo sana ang kanilang pagsasakripisyo at piliting maibsan ang kanilang pangungulila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na komunikasyon at pagbibigay ng magagandang balita tungkol sa iyong pag-aaral at pag-asenso ng inyong pamilya.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →

0 comments:

Post a Comment